Area studies by Center for Southeast Asian Studies

更新日:2014/02/12

Mga Proyekto

Ang Center for Southeast Asia Studies (CSEAS) ay itinatag noong 1963 bilang kauna-unahang institusyong nakatuon sa kumprehensibo at multi-disiplinaryong pag-aaral sa Timog-silangang Asya. Mula noon, ang CSEAS ay nakilahok sa iba’t ibang mga pananaliksik, mula sa fieldwork-based na pag-aaral sa agham pangkalikasan at maging sa humanidades at mga agham panlipunan. Sa kasalukuyan, ang CSEAS ay mayroong limang sangay ng pananaliksik (Integrated Area Studies, Humans and the Environment, Society and Culture, Economics and Politics, at ang bagong-tatag na sangay ng Area Informatics). Ang CSEAS ay may tanggapang pang-liaison sa Bangkok (itinatag noong 1969) at sa Jakarta (itinatag noong 1973), na ang layunin ay palawakin ang serbisyo ng CSEAS sa mga lokal na iskolar at makatulong sa pagbubuo ng malawak na akademikong network sa Asya. Ang pananaliksik ng CSEAS ay nakikilahok sa iba’t ibang mga pag-aaral, kabilang ang pag-aaral sa mga lipunang tumatanda, ang dilema ng “social safety net”, mga epidemya sa Timog-silangang Asya, demokratisasyong politikal at desentralisasyon, kasarian, pangmatagalang pag-unlad, rehiyonal na pagtutulungan, at kasalukuyang kasaysayan. Ang website nito ay

WEB: http://www.cseas.kyoto-u.ac.jp/en/