SEASTAR2000

更新日:2014/02/15

2. Mga Lathalain

1) Proceedings of SEASTAR2000 workshop

2)Tagapaglathala

Graduate School of Informatics: http://bre.soc.i.kyoto-u.ac.jp/

3)Taon

2001-2006

4) Buod

Ang Southeast Asia sea turtle associative research (SEASTAR2000) ay inilunsad noong 1999 sa ilalim ng nagtutulungang pag-aaral ng Hapon at Thailand. Taun-taon ay nagsasagawa ng internasyunal na palihan at inililimbag ang katitikan nito. Ang nilalaman ng katitikan ay hinggil sa iba’t ibang uri ng hayop, kabilang ang pawikan, dugong, higanteng hito ng Mekong at iba pang mga isdang-dagat.

http://bre.soc.i.kyoto-u.ac.jp/seastar2000/Proceedings_PDF/proceedings.htm

 

Asian and African Area Studies

更新日:2014/02/15

2. Mga Lathalain

‘Asian and African Area Studies’

Ang peryodikong Asian and African Area Studies ay unang lumabas noong 2001 at naglalayong mag-ambag sa mga pag-unawa at pag-unlad ng araling panrehiyon sa Asya at Aprika sa pamamagitan ng mga pag-aaral at sanaysay, at tumulong sa paglikha ng bagong paradaym sa ika-21 dantaon. Mayroon nang siyam na tomong nailimbag mula 2001 hanggang 2007. Para sa mga detalye at nakaraang labas, mangyaring magtungo sa websayt:

http://www.asafas.kyoto-u.ac.jp/english/editoffice-e.html

 

CSEAS publications

更新日:2014/02/15

Kyoto Working Papers on Area Studies

Ang bagong seryeng ito ay inilunsad noong 2006. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtungo sa Tanggapang Editoryal ng CSEAS.

http://www.cseas.kyoto-u.ac.jp/edit/index_en.htm

 

The Kyoto Review of Southeast Asia

Ang Kyoto Review of Southeast Asia ay inilunsad ng Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University, noong Marso 2002 upang mapag-ibayo ang pagpapalitan sa pagitan ng mga pamayanang intelektwal sa Timog-silangang Asya. Ang layunin nito ay magpalaganap ng mga mahahalagang lathalain, debate, at ideya na umiikot sa loob ng iba’t ibang pambansang diskurso tungo sa lumalawak na diskursong rehiyonal ng mga intelektwal sa loob at labas ng mga unibersidad. Kinikilala namin na ang malaking bilang ng mga pambansang wika sa rehiyon ay malaking sagka sa pagpapalalim ng pagkakaintindihan. Sa gayon, gumagamit kami ng pagsasalin—sa Ingles at mga wikang rehiyonal—upang makatulong sa makabuluhang talakayan. Itinataguyod din namin ang pangmatagalang pakikilahok sa pagitan ng mga intelektwal na nakabase sa mga unibersidad at sa mga nagtatrabaho sa NGO, pamamahayag, at produksyong kultural. Ang pinakahuling labas ng KRSEA ay Tomo 7 (in-upload noong Setyembre 2006).

website: http://kyotoreviewsea.org./

 

4. Kyoto Area Studies on Asia

Noong 1999, sinimulan ang mga pagpapalimbag sa serye sa wikang Ingles. Ang ikalawa at sumunod na mga aklat sa seryeng ito ay nailimbag sa pagtutulungan ng CSEAS, Kyoto University Press, at Trans Pacific Press sa Melbourne, Australia. Noong Hulyo 2007, labing-tatlong aklat na ang nailabas.

 

2. Mga Lathalain

Ang CSEAS ay may apat na pangunahing lathalain:

1. Tounan Ajia Kenkyuu Sousyo (Southeast Asian Studies )

Ang unang isyu ng Tounan Ajia Kenkyuu Sousyo, ang aming pahayagang inilalabas apat na beses bawat taon, ay lumabas noong Hunyo 1963, bago ang pagkakatatag sa CSEAS bilang semi-opisyal na organong nakapaloob sa Kyoto University noong 1965. Mula noon, ito ay naging isa sa mga pangunahing pahayagan hinggil sa araling Timog-silangang Asyano sa Hapon at iba pang dako ng mundo. Noong Hunyo 1969, inilatag ng patnugutan ang referee system na siyang nagpatibay sa katayuan ng SEAS bilang propesyunal na pandaigdigang pahayagan. Ang pinakahuling labas nito ay Tomo 44 Blg. 4 (ika-179) (2007 Mayo).

2.Monographs of the Center for Southeast Asian Studies

Ang Monographs of the Center for Southeast Asian Studies, pananaliksik na isinasagawa sa tulong ng University of Hawaii Press, ay una ring lumabas noong 1966. Dalawampung aklat na ang lumabas mula 1966 (batay sa datos ng Hulyo 2007).

3.Chiiki Kenkyuu Sosho (Kyoto Area Studies on Asia)

Ang serye ng monograp na ito ay sinimulan noong 1996, matapos ang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng CSEAS (1995), at nakabase sa memorandum ng pagkakasundo sa pagitan ng CSEAS at Kyoto University Press. Ang seryeng ito ay naglalayong magpaunlad ng mga bagong pananaw sa Asya batay sa malawak na kaalaman sa larangan. Sa kasalukuyan, labing-anim nang aklat ang nailimbag sa seryeng ito.