University, School and Institute level

更新日:2014/02/15

Programang pang-edukasyon at exchange program

Itinatag noong 1897, nakasandig ang programang pang-edukasyon ng Kyoto University sa tradisyon ng liberal at akademikong kalayaan. Patuloy ang aming masiglang pagtaguyod sa mga prinsipyong ito, samantalang ipinag-iibayo ang pananaliksik sa mga susing larangan tulad ng batayang pananaliksik at abanteng teknolohiya tungo sa pagkamit ng pag-aaring intelektwal. Kasunod nito’y ibinabalik ng Unibersidad ang naipong kaalaman sa lipunan sa pamamagitan ng edukasyon, pagtutulungang panlipunan, at habambuhay na pag-aaral. Ang bawat departamento ay sumusunod sa 4-na-taong kurikulum (maliban sa departamento ng medisina na ang programa ay 6-na-taon). Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan

http://www.kyoto-u.ac.jp/english/etop2/e03-top.htm

Hinggil sa mga Programang Pananaliksik ng Unibersidad, mangyaring tingnan

http://www.kyoto-u.ac.jp/english/etop2/e02-top.htm

Sa kasalukuyan, may 1200 na dayuhang estudyante ang nag-aaral sa Kyoto University. Animnapu’t siyam na porsyento ay nasa gradwadong antas, at sa kabuuang ito, 10 porsyento ang mula sa Timog-silangang Asya. Mahigit sampung taon nang tumatanggap ang Unibersidad ng mga dayuhang estudyante. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan

http://www.kyoto-u.ac.jp/english/enotice/e05_koho/facts.htm

 

ide_en

 

Ang Kyoto University ay aktibo ring sumusuporta sa mga exchange program sa pagitan ng mga dayuhang iskolar at sa sarili nitong kaguruan. Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang siglo 2006 ng programang ito.

Memorandum ng Pagkakaintindihan(MOU)

Antas Unibersidad

 

gakujyutu_en

 

Noong 2006, ang Kyoto University ay mayroong mga memorandum ng pagkakaintindihan sa mga paaralan sa 26 bansa, kabilang ang 71 na unibersidad at institusyon. Sa Timog-silangang Asya, mayroon itong 7 katuwang na unibersidad sa 4 na bansa (Indonesia [2], Thailand [3], Laos [1], at Singapore [1]). Mangyaring tingnan ang talaan ng mga institusyong ito sa

http://www.opir.kyoto-u.ac.jp/e/memorandum.html

Antas Paaralan at Institusyon

Sa kabuuan, mayroong 242 na mga kasunduan sa akademikong pagpapalitan sa pagitan ng mga Departamento / Kaguruan ng Unibersidad at sa kanilang mga katapat sa MISSING TEXT. Mayroong 39 na ganitong kasunduan sa mga kaguruan sa Timog-silangang Asya. Para sa mga detalye, mangyaring magtungo sa

http://www.opir.kyoto-u.ac.jp/e/academicexchange.html

Sa Timog-silangang Asya, mayroong mga kasunduan sa 39 na unibersidad.

 

bumon_en