Center for Southeast Asia Studie

更新日:2014/02/15

3.Programang Pang-edukasyon

Mula noong 1998, karamihan sa mga gurong kasapi ng CSEAS ay nakilahok sa programang pang-edukasyon sa Area Studies ng Graduate School of Asian and African Studies sa Kyoto University (ASAFAS), at nagtuturo sa mga estudyante ng mga susing usapin sa araling Timog-silangang Asyano at gumagabay sa kanilang field research.

http://www.cseas.kyoto-u.ac.jp/en/fostering-research/education-in-kyoto-university/asafas/

 

ASAFAS Education

更新日:2014/02/15

3. Edukasyon

Ang Graduate School of Asian and African Area Studies ay nagtataguyod sa edukasyon at pananaliksik batay sa mga field survey sa rehiyon. Batay sa limang-taon na programang pang-doktorado, binibigyang-diin sa mga kurikulum ng paaralan ang pangmatagalang fieldwork at holistikong pag-unawa sa ekolohiya ng Asya at Aprika, lipunan at kultura at ang pag-uugnay-ugnay ng mga ito na nagbibigay-hugis sa kasalukuyang Asya at Aprika. Maliban sa pagsasanay sa mga dalubhasa sa araling pang-Asya at Aprika, umaasa rin ang paaralan na makapagsanay ng mga tauhang may kakayahang magtrabaho sa mga internasyunal na organisasyong pang-ayuda at, alinsunod dito, ay handa itong magbigay ng mga digri sa masterado kung kinakailangan. Sa ngayon, ay mayroon itong dalawang dibisyon: Division of African Area Studies at Division of Southeast Asian Area Studies. Ang pangalawa ay mayroong apat na departamento: 1. Ecology and Environment, 2. Comparative Social Transformation, 3. Environment, Society and Culture, 4. South and West Asian Area Studies. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtungo sa

http://www.asafas.kyoto-u.ac.jp/english/feature.html

 

JGSEE

更新日:2014/02/15

Edukasyon

1) Programa

Establishment of COE on Sustainable Energy System

2) Mga Kaugnay na Organisasyon

Graduate School of Energy Science : http://www.energy.kyoto-u.ac.jp/

Institute of Advanced Energy : http://www.iae.kyoto-u.ac.jp/

Research Institute for Sustainable Humanosphere : http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/

3) Buod

Ang layunin ng Education at Graduate School of Energy Science ay nakahanay sa apat na puntong sumusunod:

1. Paglikha ng bagong disiplina ng syensyang pang-enerhiya na mag-uugnay sa agham pangkalikasan at humanidades ng agham panlipunan.

2. Pagpapaunlad ng mga eksperto sa syensyang pang-enerhiya na maaaring makalutas sa iba’t ibang mga suliraning pang-enerhiya at pangkapaligiran.

3. Pagpapahusay sa mga pagtutulungan sa lipunan at reedukasyon ng mga kasapi ng lipunan.

4. Pagpapaunlad ng mga eksperto na maaaring internasyunal na manguna, sa pamamagitan ng mga pandaigdigang pagtutulungan, sa mga proyektong pananaliksik.

4) WEB

http://energy.coe21.kyoto-u.ac.jp/task-edu/index.html