ASAFAS Education

更新日:2014/02/15

3. Edukasyon

Ang Graduate School of Asian and African Area Studies ay nagtataguyod sa edukasyon at pananaliksik batay sa mga field survey sa rehiyon. Batay sa limang-taon na programang pang-doktorado, binibigyang-diin sa mga kurikulum ng paaralan ang pangmatagalang fieldwork at holistikong pag-unawa sa ekolohiya ng Asya at Aprika, lipunan at kultura at ang pag-uugnay-ugnay ng mga ito na nagbibigay-hugis sa kasalukuyang Asya at Aprika. Maliban sa pagsasanay sa mga dalubhasa sa araling pang-Asya at Aprika, umaasa rin ang paaralan na makapagsanay ng mga tauhang may kakayahang magtrabaho sa mga internasyunal na organisasyong pang-ayuda at, alinsunod dito, ay handa itong magbigay ng mga digri sa masterado kung kinakailangan. Sa ngayon, ay mayroon itong dalawang dibisyon: Division of African Area Studies at Division of Southeast Asian Area Studies. Ang pangalawa ay mayroong apat na departamento: 1. Ecology and Environment, 2. Comparative Social Transformation, 3. Environment, Society and Culture, 4. South and West Asian Area Studies. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtungo sa

http://www.asafas.kyoto-u.ac.jp/english/feature.html