Bangkok Seminars on Thai Studies

更新日:2014/02/14

1. Proyekto

1) Proyekto

Bangkok Seminars on Thai Studies

2) Mga Kaugnay na Organisasyon

Thaisukusa (Network committee of organizing Bangkok Seminars on Thai Studies)

Bangkok Liaison Office, Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University

3) Panahon

2003-

4) Buod

Mula Mayo 2003, naglunsad ng ilang seminar sa CSEAS Bangkok Liaison Office. Noong 2000, mayroong maliit na pulong pandiskusyon ng mga exchange student na Hapon sa Chulalongkorn University. Batay sa mga karanasang ito, sinimulan ang paglulunsad ng mga seminar noong 2003 upang talakayin ang field research, maghain ng mga borador ng mga pag-aaral na sinusulat para sa mga pang-akademikong pahayagan o para basahin sa mga kumperensya, o para magpalitan ng rebyu sa mga libro o pelikula. Kamakailan, ang mga di-pormal na pagtitipong ito ay ininstitusyonalisa at isinasagawa bawat isa o dalawang buwan. Sa kasalukuyan, sa “Seminar on Thai Studies,” ay nag-imbita ng mga panauhing tagapagsalita na mga gurong Thai at iba pa mula sa Timog-silangang Asya at maging sa Hapon.

Layunin ng seminar na lumikha ng pagkakataon para sa pagpapalitan ng impormasyon at talakayan. Para sa mga estudyante at mga panauhing tagapagsalita na nagnanais makipagtalakayan hinggil sa mga resulta ng pangmatagalang field survey, ang mga seminar ay mga pagkakataon para magnilay at tumanggap ng input, palagay, at maging kritisismo mula sa mga kapwa estudyante at mananaliksik. Sa gayon, ang mga seminar ay nakatutulong sa pagpapadali ng pananaliksik at paghahanda ng mga estudyante para sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral—ang pagsusulat ng tesis o disertasyon.

Ang isa pang layunin ng seminar ay ang pag-iibayo sa kumprehensibong pag-unawa sa Thailand (at iba pang bansang Asyano) at pagpapalawak sa kasalukuyang network ng mga bago at dati nang mananaliksik mula sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral at disiplina. Sa gayon, ang seminar ay umaasang mag-ambag sa pag-unlad ng araling panrehiyon sa mga larangan ng ekonomiks, sosyo-pulitika, agham pangkalikasan, at humanidades. Umaasa rin itong makatulong sa nagkakaisang pag-aaral na tumatawid sa mga disiplina.

Ang pag-oorganisa sa mga seminar ay nakaangkla sa maluwag na network ng mga mananaliksik na nagbabalitaan sa pamamagitan ng email. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnay kay Tamaki Endo sa endo[at]cseas.kyoto-u.ac.jp.