The JSPS Global COE Program In Search of Sustainable Humanosphere in Asia and Africa

更新日:2014/02/14

1) Proyekto

The JSPS Global COE Program

In Search of Sustainable Humanosphere in Asia and Africa

2) Mga Kaugnay na Organisasyon

Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University

Graduate School of Asian and African Area Studies, Kyoto University

Research Institute of Sustainable Humanosphere, Kyoto University

Center for Integrated Area Studies, Kyoto University

Center for African Area Studies, Kyoto University

Institute of Sustainability Science, Kyoto University

Graduate School of Agriculture, Kyoto University

Institute for Research in Humanities, Kyoto University

Graduate School of Engineering, Kyoto University

3) Panahon

Fiscal year 2007-2011

4) Buod

Layunin ng proyektong ito na magsagawa ng malawak na interdisiplinaryong pag-aaral hinggil sa sustenableng pag-unlad sa Asya at Aprika mula sa pandaigdigan at pangmatagalang perspektiba. Naghahain kami ng bagong paradaym na sadyang dinisenyo para pasiglahin ang pagpapalitang-kuro sa pagitan ng mga dalubhasa sa kasaysayan at araling panrehiyon sa Asya at Aprika, at mga syentipiko na nagtatrabaho sa mga pinakaabanteng teknolohiya. Dinisenyo rin ito para lumikha ng balangkas kung saan maaaring suriin ang epekto ng mga usaping pandaigdigang pangkalikasan tulad ng global warming sa mga lokal na pamayanan sa Asya at Aprika, at magmungkahi ng sustenableng landas para sa lokal at rehiyonal na kaunlaran.

Para mabigyang-laman ang layuning ito, balak naming isakatuparan ang sumusunod na apat na pangunahing proyekto. Proyekto 1. Pag-aaralan sa “long-term dynamics of environment, technology and institutions” ang epekto ng teknolohiya at mga institusyong inilapat ng tao sa kapaligiran ng Asya at Aprika nang may perspektibang historikal, upang matukoy ang mga direksyon ng pagbabagong teknolohikal at pang-institusyon na kanais-nais sa darating na dantaon. Mahalaga para sa mga syentipiko na maunawaan ang historikal na landas ng pag-unlad ng bawat rehiyon, at ang mga pagkakaiba-iba at kakayahang panlipunan ng mga ito, at lumayo sa kaisipang ang bawat rehiyon ay susunod sa landas ng pag-unlad na katulad ng sinundan ng mga mauunlad na bansa sa Kanluran at Silangang Asya.

Proyekto 2 Iimbestigahin sa “structure of humanosphere” ang mga materyal at pang-enerhiyang daloy at kumbersyon ng mga lokal na pamayanan, at iuugnay ang mga obserbasyon at usapin ng mga limitasyon ng kapaligirang global sa mga mas karaniwang usapin hinggil sa mga interaksyon sa pagitan ng tao at kalikasan. Ang mga resulta ng pagsusukat sa carbon balances ay gagamitin para sa pagpopormalisa ng mga patakaran hinggil sa pangangasiwa ng lokal na rekurso ng lupa, tubig, hayop at halaman. Ito ay ilalahok sa araling panlalawigang sosyolohikal at antropolohikal, upang makabuo ng realistikong programa ng pangangasiwa sa lokal na rekurso na alinsunod sa kabatiran sa mga limitasyong global at mga pangangailangan ng lokal na pag-unlad.

Proyekto 3 Naglalayon ang “forestry model of sustainable humanosphere” na gumawa ng kumprehensibo at interdisiplinaryong pag-aaral sa mga lokal na pamayanang umaasa sa mga produktong troso, para suriin ang mga epekto ng pinakaabanteng teknolohiya sa molecular biology, inhinyeriyang pangkahoy at agham pangkagubatan sa: a) paggamit sa lupa, b) komersyal na pagtotroso, c) komersyalisasyon ng forest waste, d) pag-unlad ng mga lokal na kabayanan, e) paglikha ng hanapbuhay, f) pagbabago sa mga nakagawiang batas, g) lokal na administrasyon, at h) lokal na pulitika. Layunin nitong magpaunlad ng mga abanteng agham at teknolohiya na magpapalitaw sa likas na kakayahan ng mga lokal na pamayanan sa pamamagitan ng mahigpit na pakikipagtulungan sa mga ito.

Proyekto 4 Nakatuon ang “knowledge and capabilities of local societies” sa pagtukoy sa mga rekursong kultural, panrelihiyon, panlipunan at institusyonal na naipon sa mga pamayanang lokal para sa pangmatagalang humanosphere at kaunlaran. Ang mga kultura at sistema ng pagpapahalaga ay integral na bahagi ng sustenableng pag-unlad, at ang kahalagahan nito bilang gabay sa pag-uugali ng tao ay isinasaad ng magkakaibang pananaw sa kalusugan ng tao, hayop at halaman, klima, at natural na kalamidad. Ang pag-aaral sa mga pananaw na ito at sa kanilang mga intelektwal na pundasyon ay magbibigay ng pag-unawa sa kaugnayan ng kuntemporaryong agham at teknolohiya sa lokal na buhay at ang mga limitasyon nito na, sa gayo’y, inaasahang gagabay sa ating mga opsyon tungo sa paglikha ng lokal na pangmatagalang humanosphere.

Para sa mga detalye, mangyaring magtungo sa:

http://www.humanosphere.cseas.kyoto-u.ac.jp/en/