更新日:2014/02/13
Proyektong Pananaliksik [2]
1) Proyekto
The JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science
2) Mga Kaugnay na Organisasyon
Research Institute for Sustainable Humanosphere (formerly Wood Research Institute), Kyoto University:http://www.rish.kyoto-u.ac.jp
Research and Development Unit for Biomaterials (formerly Research Group on Wood Science, Research and Development Center for Applied Physics), Indonesian Institute of Sciences (LIPI):http://web.biomaterial-lipi.org
3) Taon
FY 1996-2005
4) Buod
And JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science ay inilunsad upang itaguyod ang agham para sa pangmatagalang pag-unlad at paggamit sa mga rekursong gubat sa mga rehiyong tropikal mula TP1996 hanggang TP2005. Ang Research Institute for Sustainable Humanosphere (dating Wood Research Institute) sa Kyoto University ang tumatayong sentral na unibersidad sa Hapon samantalang ang Research and Development Unit for Biomaterials (dating Research Group on Wood Science, Research and Development Center for Applied Physics) ng Indonesian Institute of Sciences (LIPI) ang sentral na institusyon sa Indonesia. Ang mga gawaing syentipiko sa programang ito ay sumasaklaw sa lahat ng larangan ng syensya ng kahoy at teknolohiya, kabilang ang agham materyal, pisika, kemistriya, biolohiya, genetiks at agham pangkapaligiran. Mahigit 500 syentipiko mula sa dalawampu’t pitong unibersidad sa Hapon, dalawampu’t pitong unibersidad at institusyon sa Indonesia, apat na unibersidad at institusyon sa Malaysia, isang institusyon sa Pilipinas at isang institusyon sa Biyetnam ang sumali sa programang ito.
5) Websayt
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
6) Mga Kaugnay na Lathalain
1. “Science for Sustainable Utilization of Forest Resources in the Tropics – Midterm report of JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science (ISBN 4-9900692-4-4), Wood Research Institute (presently Research Institute for Sustainable Humanosphere), Kyoto University, 2001.
Binubuod sa ulat na ito ang mga tagumpay sa unang limang taon ng JSPS-LIPI Core Universty Program in the Field of Wood Science na isinagawa upang itaguyod ang agham para sa pangmatagalang pag-unlad at paggamit sa mga rekursong gubat sa mga rehiyong tropikal mula TP1996 hanggang TP2000. Ang Wood Research Institute (kasalukuyang Research Institute for Sustainable Humanosphere) sa Kyoto University ang tumatayong sentral na unibersidad sa Hapon samantalang ang Research Group on Wood Science, Research and Development Center for Applied Physics (kasalukuyang Research and Development Unit for Biomaterials) ng Indonesian Institute of Sciences (LIPI) ang sentral na institusyon sa Indonesia.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
2. “Report of the achievements and Evaluation of the JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science”, Wood Research Institute (presently Research Institute for Sustainable Humanosphere), Kyoto University, 2003.
Ang ulat na ito ay inihanda upang tasahin ang mga tagumpay sa unang limang taon ng JSPS-LIPI Core Universty Program in the Field of Wood Science na isinagawa upang itaguyod ang agham para sa pangmatagalang pag-unlad at paggamit sa mga rekursong gubat sa mga rehiyong tropikal mula TP1996 hanggang TP2000. Ang Wood Research Institute (kasalukuyang Research Institute for Sustainable Humanosphere) sa Kyoto University ang tumatayong sentral na unibersidad sa Hapon samantalang ang Research Group on Wood Science, Research and Development Center for Applied Physics (kasalukuyang Research and Development Unit for Biomaterials) ng Indonesian Institute of Sciences (LIPI) ang sentral na institusyon sa Indonesia.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
3. “Report of the Achievements of the JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science”, Research Institute for Sustainable Humanosphere, Kyoto University, 2005.
Binubuod sa ulat na ito ang siyam na taong tagumpay ng JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science na isinagawa upang itaguyod ang agham para sa pangmatagalang pag-unlad at paggamit sa mga rekursong gubat sa mga rehiyong tropikal mula TP1996 hanggang TP2004. Ang Research Institute for Sustainable Humanosphere sa Kyoto University ang tumatayong sentral na unibersidad nito sa Hapon samantalang ang Research and Development Unit for Biomaterials ng Indonesian Institute of Sciences (LIPI) ang sentral na institusyon sa Indonesia.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
4. “Sustainable Development and Utilization of Tropical Forest Resources – Report of JSPS-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science 1996-2005 (ISBN 9900870-2-X), Research Institute for Sustainable Humanosphere, Kyoto University, 2006.
Binabalik-tanaw sa ulat na ito ang mga gawaing pananaliksik ng JPSP-LIPI Core University Program in the Field of Wood Science na isinagawa upang itaguyod ang agham para sa pangmatagalang pag-unlad at paggamit sa mga rekursong gubat sa mga rehiyong tropikal mula TP1996 hanggang TP2005. Ang Research Institute for Sustainable Humanosphere sa Kyoto University ang tumatayong sentral na unibersidad nito sa Hapon samantalang ang Research and Development Unit for Biomaterials ng Indonesian Institute of Sciences (LIPI) ang sentral na institusyon sa Indonesia.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
5. “Proceedings of the 1st International Wood Science Seminar”, Wood Research Institute (presently Research Institute for Sustainable Humanosphere), Kyoto University , 1996.
Ito ay katitikan na binubuo ng dalawang pangunahing talumpati, labing-tatlong orihinal na pag-aaral at tatlumpu’t walong panimulang ulat na inihain sa 1st International Wood Science Seminar na isinagawa noong Disyembre 6-7, 1996, sa Kyoto, sa ilalim ng JSPS-LIPI Core University Program.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
6. “Proceedings of the 2nd International Wood Science Seminar (ISBN 979-8580-20-6), Research and Development Center for Applied Physics, Indonesian Institute of Sciences (LIPI)(presently Research and Development Unit for Biomaterials, Indonesian Institute of Sciences (LIPI)), 1998.
Ito ay katitikan na binubuo ng dalawang pangunahing talumpati, tatlumpu’t limang buong pag-aaral at limampu’t walong panimulang ulat na inihain sa 2nd International Wood Science Seminar na isinagawa noong Nobyembre 6-7, 1998, sa Serpong, Indonesia, sa ilalim ng JSPS-LIPI Core University Program.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
7. “Sustainable Utilization of Forest Products: Socio-Economical and Ecological Management of Tropical Forests – Proceedings of the 3rd International Wood Science Symposium”, Wood Research Institute (presently Research Institute for Sustainable Humanosphere), Kyoto University, 2000.
Ito ay katitikan ng 3rd International Wood Science Symposium na isinagawa noong Nobyembre 1-2, 2000, sa Uji, Kyoto, Japan, sa ilalim ng JSPS-LIPI Core University Program.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
8. “Sustainable Utilization of Tropical Forest Resources – Proceedings of the 4th International Wood Science Symposium”, Research and Development Center for Applied Physics, Indonesian Institute of Sciences (LIPI)(presently Research and Development Unit for Biomaterials, Indonesian Institute of Sciences (LIPI)), 2002.
Ito ay katitikan ng 4th International Wood Science Symposium na isinagawa noong Setyembre 2-5, 2002, sa Serpong, Indonesia, sa ilalim ng JSPS-LIPI Core University Program.
http://www.rish.kyoto-u.ac.jp/JSPS
9. “Sustainable Production and Effective Utilization of Tropical Forest Resources – Proceedings of the 5th International Wood Science Symposium”, Research Institute for Sustainable Humanosphere, Kyoto University, 2004.
Ito ay katitikan ng 5th International Wood Science Symposium na isinagawa noong Setyembre 17-19, 2004, sa Kyoto, Japan, sa ilalim ng JSPS-LIPI Core University Program.